70Itoʼy ayon sa ipinangako niya noon pang unang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta.
71Ipinangako niya na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway at sa lahat ng napopoot sa atin.
72Kaaawaan niya ang ating mga ninuno, at tutuparin ang banal niyang kasunduan sa kanila
73na kanyang ipinangako sa ninuno nating si Abraham.
74Ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway upang makapaglingkod tayo sa kanya nang walang takot,