72Kaaawaan niya ang ating mga ninuno, at tutuparin ang banal niyang kasunduan sa kanila
73na kanyang ipinangako sa ninuno nating si Abraham.
74Ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway upang makapaglingkod tayo sa kanya nang walang takot,
75at maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo ay nabubuhay.”
76Sinabi naman ni Zacarias sa anak niya, “Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos, dahil mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang mga tao sa kanyang pagdating.