68“Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat inalala niya at tinubos ang kanyang bayan.
69Sinugo niya sa atin ang makapangyarihang Tagapagligtas mula sa angkan ng lingkod niyang si David.
70Itoʼy ayon sa ipinangako niya noon pang unang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta.
71Ipinangako niya na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway at sa lahat ng napopoot sa atin.
72Kaaawaan niya ang ating mga ninuno, at tutuparin ang banal niyang kasunduan sa kanila