Lucas 10

Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa ʼyan sa magagastos mo, babayaran kita pagbalik ko.’ ”

Luke 10:35 (UKJV) And on the next day when he departed, he took out two pence, and gave them to the host, and said unto him, Take care of him; and whatsoever you spend more, when I come again, I will repay you.

33Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya.

34Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ito sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon.

35Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa ʼyan sa magagastos mo, babayaran kita pagbalik ko.’ ”

36Nagtanong ngayon si Hesus sa tagapagturo ng Kautusan, “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ay tunay na kapwa sa biktima ng mga tulisan?”

37Sumagot siya, “Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.