35Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa ʼyan sa magagastos mo, babayaran kita pagbalik ko.’ ”
36Nagtanong ngayon si Hesus sa tagapagturo ng Kautusan, “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ay tunay na kapwa sa biktima ng mga tulisan?”
37Sumagot siya, “Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo.”
38Nagpatuloy si Hesus at ang mga alagad niya sa paglalakbay at dumating sila sa isang nayon. May isang babae roon na ang pangalan ay Marta. Malugod niyang tinanggap sina Hesus sa kanyang tahanan.
39Si Marta ay may kapatid na ang pangalan ay Maria. Naupo si Maria sa paanan ng Panginoon at nakinig sa itinuturo niya.