Lucas 11

Sumagot si Hesus, “Nakakaawa rin kayong mga tagapagturo ng Kautusan! Pinapahirapan ninyo ang mga tao sa inyong napakabibigat na kautusan, ngunit hindi man lang ninyo sila matulungan nang kahit kaunti.

Luke 11:46 (UKJV) And he said, Woe unto you also, all of you lawyers! for all of you load men with burdens grievous to be borne, and all of you yourselves touch not the burdens with one of your fingers.

44“Nakakaawa kayo! Sapagkat para kayong mga libingang walang palatandaan at nilalakaran lamang ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”

45Sinagot si Hesus ng isa sa mga tagapagturo ng Kautusan, “Guro, pati kami ay iniinsulto mo sa sinabi mong iyan.”

46Sumagot si Hesus, “Nakakaawa rin kayong mga tagapagturo ng Kautusan! Pinapahirapan ninyo ang mga tao sa inyong napakabibigat na kautusan, ngunit hindi man lang ninyo sila matulungan nang kahit kaunti.

47“Nakakaawa kayo! Pinapalamutian ninyo ang mga libingan ng mga propetang pinatay ng inyong mga ninuno.

48Kaya kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa ginawa nila. Sapagkat pinatay nila ang mga propeta, at kayo naman ang nagpapaayos ng mga libingan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.