Lucas 13

“Iiyak kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyo sa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta, habang kayo naman ay itataboy sa labas.

Luke 13:28 (UKJV) There shall be weeping and gnashing of teeth, when all of you shall see Abraham, and Isaac, and Jacob, and all the prophets, in the kingdom of God, and you yourselves thrust out.

26“At sasabihin ninyo, ‘Nakasama po ninyo kaming kumain at uminom, at nagturo po kayo sa mga lansangan sa bayan namin.’

27“Sasagot naman siya, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng masama!’

28“Iiyak kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyo sa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta, habang kayo naman ay itataboy sa labas.

29Maraming tao mula sa ibaʼt ibang dako ng mundo ang darating at silaʼy makakasalo sa handaan sa kaharian ng Diyos.

30May mga hamak ngayon na magiging dakila, at may mga dakila ngayon na magiging hamak.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.