Lucas 13

Maraming tao mula sa ibaʼt ibang dako ng mundo ang darating at silaʼy makakasalo sa handaan sa kaharian ng Diyos.

Luke 13:29 (UKJV) And they shall come from the east, and from the west, and from the north, and from the south, and shall sit down in the kingdom of God.

27“Sasagot naman siya, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng masama!’

28“Iiyak kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyo sa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta, habang kayo naman ay itataboy sa labas.

29Maraming tao mula sa ibaʼt ibang dako ng mundo ang darating at silaʼy makakasalo sa handaan sa kaharian ng Diyos.

30May mga hamak ngayon na magiging dakila, at may mga dakila ngayon na magiging hamak.”

31Nang mga sandaling iyon, dumating ang ilang Pariseo at sinabi kay Hesus, “Umalis na po kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.