28“Iiyak kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyo sa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta, habang kayo naman ay itataboy sa labas.
29Maraming tao mula sa ibaʼt ibang dako ng mundo ang darating at silaʼy makakasalo sa handaan sa kaharian ng Diyos.
30May mga hamak ngayon na magiging dakila, at may mga dakila ngayon na magiging hamak.”
31Nang mga sandaling iyon, dumating ang ilang Pariseo at sinabi kay Hesus, “Umalis na po kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.”
32Sumagot si Hesus, “Sabihin ninyo sa asong-gubat na iyon na patuloy akong magpapalayas ng masasamáng espiritu at magpapagaling ng may sakit ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay tatapusin ko na ang gawain ko.