Lucas 16

Nagkuwento pa si Hesus sa mga alagad niya: “May isang mayaman na may katiwala. Nabalitaan niyang nilulustay ng katiwalang ito ang kanyang kayamanan.

Luke 16:1 (UKJV) And he said also unto his disciples, There was a certain rich man, which had a steward; and the same was accused unto him that he had wasted his goods.

1Nagkuwento pa si Hesus sa mga alagad niya: “May isang mayaman na may katiwala. Nabalitaan niyang nilulustay ng katiwalang ito ang kanyang kayamanan.

2Kaya ipinatawag niya ang katiwalang ito at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Kuwentahin na natin ang lahat ng ipinagkatiwala ko sa iyo dahil tatanggalin na kita bilang katiwala.’

3“Naisip ng katiwala, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Aalisin na ako bilang katiwala. Hindi ko kakayanin ang mabibigat na trabaho tulad ng paghuhukay, at nahihiya naman akong mamalimos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.