Lucas 16

Kaya ipinatawag niya ang katiwalang ito at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Kuwentahin na natin ang lahat ng ipinagkatiwala ko sa iyo dahil tatanggalin na kita bilang katiwala.’

Luke 16:2 (UKJV) And he called him, and said unto him, How is it that I hear this of you? give an account of your stewardship; for you may be no longer steward.

1Nagkuwento pa si Hesus sa mga alagad niya: “May isang mayaman na may katiwala. Nabalitaan niyang nilulustay ng katiwalang ito ang kanyang kayamanan.

2Kaya ipinatawag niya ang katiwalang ito at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Kuwentahin na natin ang lahat ng ipinagkatiwala ko sa iyo dahil tatanggalin na kita bilang katiwala.’

3“Naisip ng katiwala, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Aalisin na ako bilang katiwala. Hindi ko kakayanin ang mabibigat na trabaho tulad ng paghuhukay, at nahihiya naman akong mamalimos.

4Ah, alam ko na! Gagawa ako ng paraan upang tanggapin ako ng mga tao sa tahanan nila kapag inalis na ako sa trabaho ko.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.