Lucas 16

“Kaya sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang inyong kayamanan sa mundong ito para magkaroon ng kaibigan. Kapag naubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.

Luke 16:9 (UKJV) And I say unto you, Make to yourselves friends of the mammon of unrighteousness; that, when all of you fail, they may receive you into everlasting habitations.

7“At tinanong naman niya ang isa pa, ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ “Sumagot ito, ‘Isang daang sako ng trigo.’ “ ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Isulat mong walumpu na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala.

8“Dahil ditoʼy pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil kumilos ito nang may karunungan. Sapagkat mas marunong ang mga taong makamundo kaysa sa mga taong naliwanagan na tungkol sa Diyos.

9“Kaya sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang inyong kayamanan sa mundong ito para magkaroon ng kaibigan. Kapag naubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.

10“Ang taong mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay. At ang taong madaya sa maliliit na bagay ay magiging madaya rin sa malalaking bagay.

11Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.