Lucas 16

“At tinanong naman niya ang isa pa, ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ “Sumagot ito, ‘Isang daang sako ng trigo.’ “ ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Isulat mong walumpu na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala.

Luke 16:7 (UKJV) Then said he to another, And how much owe you? And he said, An hundred measures of wheat. And he said unto him, Take your bill, and write fourscore.

5“Isa-isa niyang ipinatawag ang mga may utang sa amo niya. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa amo ko?’

6Sumagot ito, ‘Isang daang banga ng langis ng olibo.’ “Sabi ng katiwala, ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Maupo ka at isulat mong limampu na lang ang utang mo.’

7“At tinanong naman niya ang isa pa, ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ “Sumagot ito, ‘Isang daang sako ng trigo.’ “ ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Isulat mong walumpu na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala.

8“Dahil ditoʼy pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil kumilos ito nang may karunungan. Sapagkat mas marunong ang mga taong makamundo kaysa sa mga taong naliwanagan na tungkol sa Diyos.

9“Kaya sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang inyong kayamanan sa mundong ito para magkaroon ng kaibigan. Kapag naubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.