4Ah, alam ko na! Gagawa ako ng paraan upang tanggapin ako ng mga tao sa tahanan nila kapag inalis na ako sa trabaho ko.’
5“Isa-isa niyang ipinatawag ang mga may utang sa amo niya. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa amo ko?’
6Sumagot ito, ‘Isang daang banga ng langis ng olibo.’ “Sabi ng katiwala, ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Maupo ka at isulat mong limampu na lang ang utang mo.’
7“At tinanong naman niya ang isa pa, ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ “Sumagot ito, ‘Isang daang sako ng trigo.’ “ ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Isulat mong walumpu na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala.
8“Dahil ditoʼy pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil kumilos ito nang may karunungan. Sapagkat mas marunong ang mga taong makamundo kaysa sa mga taong naliwanagan na tungkol sa Diyos.