Lucas 16

“Dahil ditoʼy pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil kumilos ito nang may karunungan. Sapagkat mas marunong ang mga taong makamundo kaysa sa mga taong naliwanagan na tungkol sa Diyos.

Luke 16:8 (UKJV) And the lord commended the unjust steward, because he had done wisely: for the children of this world are in their generation wiser than the children of light.

6Sumagot ito, ‘Isang daang banga ng langis ng olibo.’ “Sabi ng katiwala, ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Maupo ka at isulat mong limampu na lang ang utang mo.’

7“At tinanong naman niya ang isa pa, ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ “Sumagot ito, ‘Isang daang sako ng trigo.’ “ ‘Heto ang kasulatan ng pagkakautang mo. Isulat mong walumpu na lang ang utang mo,’ sabi ng katiwala.

8“Dahil ditoʼy pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil kumilos ito nang may karunungan. Sapagkat mas marunong ang mga taong makamundo kaysa sa mga taong naliwanagan na tungkol sa Diyos.

9“Kaya sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang inyong kayamanan sa mundong ito para magkaroon ng kaibigan. Kapag naubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.

10“Ang taong mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay. At ang taong madaya sa maliliit na bagay ay magiging madaya rin sa malalaking bagay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.