Lucas 17

“Kung ano ang ginagawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa araw ng pagbabalik ng Anak ng Tao.

Luke 17:26 (UKJV) And as it was in the days of Noe, so shall it be also in the days of the Son of man.

24Sapagkat ang Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan.

25Ngunit kailangan muna niyang dumanas ng maraming hirap, at itakwil ng henerasyong ito.

26“Kung ano ang ginagawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa araw ng pagbabalik ng Anak ng Tao.

27Ang mga tao nooʼy nagsisikain, nag-iinuman at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Dumating ang baha at nalunod silang lahat.

28“Ganoon din noong kapanahunan ni Lot. Ang mga taoʼy nagsisikain, nag-iinuman, nagnenegosyo, nagsasaka at nagtatayo ng mga bahay,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.