Lucas 17

Ang mga tao nooʼy nagsisikain, nag-iinuman at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Dumating ang baha at nalunod silang lahat.

Luke 17:27 (UKJV) They did eat, they drank, they married wives, they were given in marriage, until the day that Noe entered into the ark, and the flood came, and destroyed them all.

25Ngunit kailangan muna niyang dumanas ng maraming hirap, at itakwil ng henerasyong ito.

26“Kung ano ang ginagawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa araw ng pagbabalik ng Anak ng Tao.

27Ang mga tao nooʼy nagsisikain, nag-iinuman at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Dumating ang baha at nalunod silang lahat.

28“Ganoon din noong kapanahunan ni Lot. Ang mga taoʼy nagsisikain, nag-iinuman, nagnenegosyo, nagsasaka at nagtatayo ng mga bahay,

29hanggang sa araw na umalis si Lot sa Sodoma. At pagkatapos, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at namatay silang lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.