27Ang mga tao nooʼy nagsisikain, nag-iinuman at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Dumating ang baha at nalunod silang lahat.
28“Ganoon din noong kapanahunan ni Lot. Ang mga taoʼy nagsisikain, nag-iinuman, nagnenegosyo, nagsasaka at nagtatayo ng mga bahay,
29hanggang sa araw na umalis si Lot sa Sodoma. At pagkatapos, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at namatay silang lahat.
30“Ganyan din ang mangyayari sa araw ng pagbabalik ng Anak ng Tao.
31Sa araw na iyon, ang nasa labas ng bahay ay hindi na dapat pumasok para kumuha ng mga ari-arian niya. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi.