29hanggang sa araw na umalis si Lot sa Sodoma. At pagkatapos, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at namatay silang lahat.
30“Ganyan din ang mangyayari sa araw ng pagbabalik ng Anak ng Tao.
31Sa araw na iyon, ang nasa labas ng bahay ay hindi na dapat pumasok para kumuha ng mga ari-arian niya. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi.
32Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot.
33Sapagkat ang sinumang nagsisikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mawawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay maililigtas ito.