32Siya ang ilaw na magbibigay-liwanag sa isipan ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa inyo, at magbibigay-dangal sa inyong bayang Israel.”
33Namangha ang ama at ina ng sanggol sa mga sinabi ni Simeon tungkol sa kanilang anak.
34Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria, “Tandaan mo: Itinalaga ang batang ito para ibagsak o iligtas ang marami sa Israel. Magiging tanda siya mula sa Diyos, ngunit marami ang magsasalita laban sa kanya.
35Kaya ikaw mismo ay masasaktan, na parang sinaksak ng patalim ang puso mo. At dahil sa gagawin niya, mahahayag ang kasamaang nasa isip ng maraming tao.”
36Naroon din sa ang isang babaeng propeta na matandang-matanda na. Siya si Ana na anak ni Fanuel at mula sa lahi ni Asher. Namatay ang kanyang asawa noong pitong taon pa lamang silang kasal.