Lucas 2

Siya ang ilaw na magbibigay-liwanag sa isipan ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa inyo, at magbibigay-dangal sa inyong bayang Israel.”

Luke 2:32 (UKJV) A light to lighten the Gentiles, and the glory of your people Israel.

30Dahil nakita na ng aking mga mata ang Tagapagligtas,

31na inihanda ninyo sa harapan ng lahat ng tao.

32Siya ang ilaw na magbibigay-liwanag sa isipan ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa inyo, at magbibigay-dangal sa inyong bayang Israel.”

33Namangha ang ama at ina ng sanggol sa mga sinabi ni Simeon tungkol sa kanilang anak.

34Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria, “Tandaan mo: Itinalaga ang batang ito para ibagsak o iligtas ang marami sa Israel. Magiging tanda siya mula sa Diyos, ngunit marami ang magsasalita laban sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.