40Lumaki ang batang si Hesus at naging malakas, at siyaʼy napakatalino at kalugod-lugod sa Diyos.
41Bawat taon pumupunta ang mga magulang ni Hesus sa Jerusalem upang dumalo sa Pista ng Paglampas ng Anghel.
42Nang labindalawang taóng gulang na si Hesus, muli silang pumunta roon gaya ng nakaugalian nila.
43Pagkatapos ng pista, umuwi na sila, ngunit nagpaiwan ang batang si Hesus sa Jerusalem nang hindi namamalayan ng mga magulang niya.
44Ang akala nilaʼy kasama siya ng iba nilang kababayan na pauwi na rin, kaya nagpatuloy lang sila sa paglalakad buong araw. Bandang huli ay hinanap nila si Hesus sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.