Lucas 21

Nakita rin niya ang isang mahirap na biyuda na naghulog ng dalawang pirasong barya.

Luke 21:2 (UKJV) And he saw also a certain poor widow casting in thither two mites.

1Pinagmamasdan ni Hesus ang mayayamang naghuhulog ng pera sa lalagyan ng mga kaloob sa Templo.

2Nakita rin niya ang isang mahirap na biyuda na naghulog ng dalawang pirasong barya.

3Sinabi ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa kanilang lahat.

4Sapagkat silang lahat ay nagbigay mula sa sobra nilang pera, pero ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng ikabubuhay niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.