Lucas 24

Pagdating nila roon, nakita nilang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan.

Luke 24:2 (UKJV) And they found the stone rolled away from the tomb.

1Pagdating ng madaling-araw ng Linggo, pumunta ang mga babae sa libingan dala ang mga pabangong inihanda nila.

2Pagdating nila roon, nakita nilang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan.

3Kaya pumasok sila sa loob, ngunit hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Hesus.

4Habang naguguluhan sila sa pangyayari, bigla silang nakakita ng dalawang lalaking nakakasilaw ang damit, at nakatayo sa tabi nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.