44Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo noong magkasama pa tayo na kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga isinulat ng mga propeta at sa mga Salmo.”
45At binuksan ni Hesus ang isip nila upang maunawaan nila ang Kasulatan.
46Sinabi niya sa kanila, “Ayon sa Kasulatan, kailangang magtiis ng hirap at mamatay ang Mesias ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.
47At dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan ng pangalan niya ay patatawarin ng Diyos ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.