Lucas 24

At dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan ng pangalan niya ay patatawarin ng Diyos ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

Luke 24:47 (UKJV) And that repentance and remission of sins should be preached in his name among all nations, beginning at Jerusalem.

45At binuksan ni Hesus ang isip nila upang maunawaan nila ang Kasulatan.

46Sinabi niya sa kanila, “Ayon sa Kasulatan, kailangang magtiis ng hirap at mamatay ang Mesias ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.

47At dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan ng pangalan niya ay patatawarin ng Diyos ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.

49Isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng Ama, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang kapangyarihan mula sa langit.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.