Lucas 24

Isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng Ama, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang kapangyarihan mula sa langit.”

Luke 24:49 (UKJV) And, behold, I send the promise of my Father upon you: but tarry all of you in the city of Jerusalem, until all of you be imbued with power from on high.

47At dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan ng pangalan niya ay patatawarin ng Diyos ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.

49Isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng Ama, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang kapangyarihan mula sa langit.”

50Pagkatapos, isinama sila ni Hesus sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila.

51At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.