Lucas 24

At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit.

Luke 24:51 (UKJV) And it came to pass, while he blessed them, he was parted from them, and carried up into heaven.

49Isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng Ama, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang kapangyarihan mula sa langit.”

50Pagkatapos, isinama sila ni Hesus sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila.

51At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit.

52Siya ay sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na punong-puno ng kagalakan.

53At palagi silang nasa Templo na nagpupuri sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.