46Sinabi niya sa kanila, “Ayon sa Kasulatan, kailangang magtiis ng hirap at mamatay ang Mesias ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.
47At dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan ng pangalan niya ay patatawarin ng Diyos ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.
49Isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng Ama, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang kapangyarihan mula sa langit.”
50Pagkatapos, isinama sila ni Hesus sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila.