Lucas 9

Habang nananalangin si Hesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan.

Luke 9:29 (UKJV) And as he prayed, the fashion of his countenance was altered, and his raiment was white and flashing.

27“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang kaharian ng Diyos.”

28Mga walong araw matapos sabihin ni Hesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin.

29Habang nananalangin si Hesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan.

30Biglang nagpakita ang dalawang lalaki, sina Moises at Elias, at nakipag-usap sa kanya.

31Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.