Lucas 9

Mga walong araw matapos sabihin ni Hesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin.

Luke 9:28 (UKJV) And it came to pass about an eight days after these sayings, he took Peter and John and James, and went up into a mountain to pray.

26Kung ako at ang mga aral ko ay ikakahiya ninuman, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag pumarito siya na taglay ang kanyang kapangyarihan at ang kapangyarihan ng Ama at ng mga banal na anghel.

27“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang kaharian ng Diyos.”

28Mga walong araw matapos sabihin ni Hesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin.

29Habang nananalangin si Hesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan.

30Biglang nagpakita ang dalawang lalaki, sina Moises at Elias, at nakipag-usap sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.