28Mga walong araw matapos sabihin ni Hesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin.
29Habang nananalangin si Hesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan.
30Biglang nagpakita ang dalawang lalaki, sina Moises at Elias, at nakipag-usap sa kanya.
31Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem.
32Tulog na tulog noon sina Pedro, pero nang magising sila, nakita nila ang nagliliwanag na anyo ni Hesus at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya.