Lucas 9

Tulog na tulog noon sina Pedro, pero nang magising sila, nakita nila ang nagliliwanag na anyo ni Hesus at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya.

Luke 9:32 (UKJV) But Peter and they that were with him were heavy with sleep: and when they were awake, they saw his glory, and the two men that stood with him.

30Biglang nagpakita ang dalawang lalaki, sina Moises at Elias, at nakipag-usap sa kanya.

31Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem.

32Tulog na tulog noon sina Pedro, pero nang magising sila, nakita nila ang nagliliwanag na anyo ni Hesus at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya.

33Nang paalis na ang dalawang lalaki, sinabi ni Pedro kay Hesus, “Guro, mabuti poʼt narito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” (Ang totoo, hindi niya alam ang sinasabi niya.)

34At habang nagsasalita pa si Pedro, tinakpan sila ng ulap at natakot sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.