Lucas 9

Nang paalis na ang dalawang lalaki, sinabi ni Pedro kay Hesus, “Guro, mabuti poʼt narito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” (Ang totoo, hindi niya alam ang sinasabi niya.)

Luke 9:33 (UKJV) And it came to pass, as they departed from him, Peter said unto Jesus, Master, it is good for us to be here: and let us make three tabernacles; one for you, and one for Moses, and one for Elijah: not knowing what he said.

31Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem.

32Tulog na tulog noon sina Pedro, pero nang magising sila, nakita nila ang nagliliwanag na anyo ni Hesus at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya.

33Nang paalis na ang dalawang lalaki, sinabi ni Pedro kay Hesus, “Guro, mabuti poʼt narito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” (Ang totoo, hindi niya alam ang sinasabi niya.)

34At habang nagsasalita pa si Pedro, tinakpan sila ng ulap at natakot sila.

35May narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang aking Anak, na aking pinili. Pakinggan ninyo siya!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.