Lucas 9

May narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang aking Anak, na aking pinili. Pakinggan ninyo siya!”

Luke 9:35 (UKJV) And there came a voice out of the cloud, saying, This is my beloved Son: hear him.

33Nang paalis na ang dalawang lalaki, sinabi ni Pedro kay Hesus, “Guro, mabuti poʼt narito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” (Ang totoo, hindi niya alam ang sinasabi niya.)

34At habang nagsasalita pa si Pedro, tinakpan sila ng ulap at natakot sila.

35May narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang aking Anak, na aking pinili. Pakinggan ninyo siya!”

36Nang tumigil ang tinig, nakita nilang mag-isa na lang si Hesus. Hindi muna nila sinabi kahit kanino ang mga nasaksihan nila noong mga panahong iyon.

37Kinabukasan, pagbaba nila galing sa bundok ay sinalubong si Hesus ng napakaraming tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.