9“Kayong mga pari, hilingin ninyo sa Diyos na kaawaan niya tayo. Pero sa ganyang klaseng mga inihahandog ninyo sa kanya, tiyak na hindi niya kayo kalulugdan. Iyan ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo.”
10“May isa sana sa mga pari nʼyo na magsara ng mga pintuan ng aking templo, upang hindi na kayo magsisindi ng walang kabuluhang apoy sa aking altar. Hindi ko tatanggapin ang inyong mga handog dahil hindi ako nalulugod sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
11“Ang totoo, pinupuri ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran. Kahit saan nagsusunog ang mga tao ng insenso at naghahandog ng malinis na handog sa akin na Panginoon ng mga Hukbo.
12“Pero kayo, nilalapastangan ninyo ako, dahil sinasabi ninyong marumi ang aking altar at walang kabuluhan ang mga inihahandog doon.
13Sinasabi pa ninyo na nagsasawa na kayo sa paghahandog at binabalewala ninyo ang aking altar. “Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na may sugat, pilay o may sakit. Akala ba ninyoʼy tatanggapin ko iyan?” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.