Malakias 1

Sinasabi pa ninyo na nagsasawa na kayo sa paghahandog at binabalewala ninyo ang aking altar. “Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na may sugat, pilay o may sakit. Akala ba ninyoʼy tatanggapin ko iyan?” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Malachi 1:13 (UKJV) All of you said also, Behold, what a weariness is it! and all of you have snuffed at it, says the LORD of hosts; and all of you brought that which was torn, and the lame, and the sick; thus all of you brought an offering: should I accept this of your hand? says the LORD.

11“Ang totoo, pinupuri ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran. Kahit saan nagsusunog ang mga tao ng insenso at naghahandog ng malinis na handog sa akin na Panginoon ng mga Hukbo.

12“Pero kayo, nilalapastangan ninyo ako, dahil sinasabi ninyong marumi ang aking altar at walang kabuluhan ang mga inihahandog doon.

13Sinasabi pa ninyo na nagsasawa na kayo sa paghahandog at binabalewala ninyo ang aking altar. “Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na may sugat, pilay o may sakit. Akala ba ninyoʼy tatanggapin ko iyan?” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

14“Susumpain ko ang mga mandaraya sa inyo, na nangakong maghahandog ng pinakamagandang hayop mula sa kanyang kawan ngunit ang inihahandog ay ang may kapintasan. Susumpain ko siya dahil ako ang makapangyarihang hari na kinatatakutan ng mga bansa,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.