Malakias 1

Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga pari, “Iginagalang ng anak ang kanyang ama at iginagalang ng alipin ang kanyang amo. Pero bakit ako na inyong ama at amo ay hindi ninyo iginagalang? “Nilalapastangan ninyo ako. “Ngunit nagtatanong pa kayo, ‘Paano ka namin nilalapastangan?’

Malachi 1:6 (UKJV) A son honors his father, and a servant his master: if then I be a father, where is mine honour? and if I be a master, where is my fear? says the LORD of hosts unto you, O priests, that despise my name. And all of you say, Wherein have we despised your name?

4Maaaring sabihin ng mga Edomitang lahi ni Esau, “Kahit na winasak ang aming bayan, itoʼy muli naming itatayo.” Subalit, ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kahit na itayo nilang muli ang kanilang bayan, gigibain ko pa rin ito. Tatawagin silang ‘masamang bansa’ at ‘mga mamamayang laging kinapopootan ng Panginoon.’

5Makikita ninyo ang kanilang pagkawasak at sasabihin ninyo, ‘Makapangyarihan ang Panginoon kahit sa labas ng Israel.’ ”

6Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga pari, “Iginagalang ng anak ang kanyang ama at iginagalang ng alipin ang kanyang amo. Pero bakit ako na inyong ama at amo ay hindi ninyo iginagalang? “Nilalapastangan ninyo ako. “Ngunit nagtatanong pa kayo, ‘Paano ka namin nilalapastangan?’

7“Nilalapastangan ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng maruruming handog sa aking altar. “Ngunit nagtatanong pa kayo, ‘Paano naging marumi ang aming handog?’ “Naging marumi ang inyong handog dahil sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang altar ng Panginoon.

8Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na bulag, pilay o may sakit. Hindi tama iyan. Ganyan kaya ang ihandog ninyo sa inyong gobernador at tingnan nʼyo kung matutuwa at malulugod siya sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.