6Itinuro niya ang katotohanan at hindi ang kasinungalingan. Mapayapa ang pakikitungo niya sa akin at namuhay siya nang matuwid. At tinulungan niya ang maraming tao upang huwag nang gumawa ng kasalanan.
7“Sa katunayan, tungkulin ninyong mga pari na turuan ang mga tao, na malaman nila ang tungkol sa akin. At dapat naman silang magpaturo sa inyo, dahil mga sugo kayo ng Panginoon ng mga Hukbo.
8Ngunit hindi ninyo sinunod ang aking mga pamamaraan. Ang mga turo ninyo ang nagtulak sa marami para magkasala. Sinira ninyo ang kasunduan ko sa ninuno ninyong si Levi,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
9“Kaya ipinahamak at ipinahiya ko kayo sa lahat ng tao dahil hindi ninyo sinunod ang aking mga pamamaraan, at may kinikilingan kayo sa inyong pagtuturo.”
10Sinabi ni Malakias sa mga Israelita: Hindi baʼt iisa ang ating ama? At iisang Diyos ang lumalang sa atin? Bakit hindi tayo nagiging tapat sa isaʼt isa? Sa ginagawa nating ito, nilalabag natin ang kasunduan ng Diyos sa ating mga ninuno.