9Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa.
10Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.
11Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas bago pa mahinog ang mga ito,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
12“Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”
13“Masasakit ang pinagsasabi nʼyo tungkol sa akin,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit tinatanong ninyo, ‘Ano ang pinagsasabi naming masasakit tungkol sa inyo?’