Malakias 3

“Masasakit ang pinagsasabi nʼyo tungkol sa akin,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit tinatanong ninyo, ‘Ano ang pinagsasabi naming masasakit tungkol sa inyo?’

Malachi 3:13 (UKJV) Your words have been stout against me, says the LORD. Yet all of you say, What have we spoken so much against you?

11Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas bago pa mahinog ang mga ito,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

12“Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”

13“Masasakit ang pinagsasabi nʼyo tungkol sa akin,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit tinatanong ninyo, ‘Ano ang pinagsasabi naming masasakit tungkol sa inyo?’

14“Sinabi ninyo, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Diyos. Ano ba ang mapapala natin kung susundin natin ang kanyang mga utos? At ano ang mapapala natin kung nagmumukha tayong nagsisisi sa ating mga kasalanan sa harapan ng PanginoongDiyos ng mga Hukbo.

15Masasabi pa nga natin na mapalad ang mga taong mayabang. Sapagkat sila na gumagawa ng masama ay umuunlad. At kahit na sinusubukan nila ang Diyos, hindi sila pinarurusahan.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.