Malakias 3

“Sinabi ninyo, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Diyos. Ano ba ang mapapala natin kung susundin natin ang kanyang mga utos? At ano ang mapapala natin kung nagmumukha tayong nagsisisi sa ating mga kasalanan sa harapan ng PanginoongDiyos ng mga Hukbo.

Malachi 3:14 (UKJV) All of you have said, It is vain to serve God: and what profit is it that we have kept his ordinance, and that we have walked mournfully before the LORD of hosts?

12“Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”

13“Masasakit ang pinagsasabi nʼyo tungkol sa akin,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit tinatanong ninyo, ‘Ano ang pinagsasabi naming masasakit tungkol sa inyo?’

14“Sinabi ninyo, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Diyos. Ano ba ang mapapala natin kung susundin natin ang kanyang mga utos? At ano ang mapapala natin kung nagmumukha tayong nagsisisi sa ating mga kasalanan sa harapan ng PanginoongDiyos ng mga Hukbo.

15Masasabi pa nga natin na mapalad ang mga taong mayabang. Sapagkat sila na gumagawa ng masama ay umuunlad. At kahit na sinusubukan nila ang Diyos, hindi sila pinarurusahan.’ ”

16Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may takot sa Panginoon. Pinakinggan ng Panginoon ang mga sinabi nila. Isinulat sa kanyang harapan ang isang aklat tungkol sa mga taong may takot sa kanya at iginagalang ang kanyang pangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.