13“Masasakit ang pinagsasabi nʼyo tungkol sa akin,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit tinatanong ninyo, ‘Ano ang pinagsasabi naming masasakit tungkol sa inyo?’
14“Sinabi ninyo, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Diyos. Ano ba ang mapapala natin kung susundin natin ang kanyang mga utos? At ano ang mapapala natin kung nagmumukha tayong nagsisisi sa ating mga kasalanan sa harapan ng PanginoongDiyos ng mga Hukbo.
15Masasabi pa nga natin na mapalad ang mga taong mayabang. Sapagkat sila na gumagawa ng masama ay umuunlad. At kahit na sinusubukan nila ang Diyos, hindi sila pinarurusahan.’ ”
16Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may takot sa Panginoon. Pinakinggan ng Panginoon ang mga sinabi nila. Isinulat sa kanyang harapan ang isang aklat tungkol sa mga taong may takot sa kanya at iginagalang ang kanyang pangalan.
17Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Sa araw ng paghatol ko, silaʼy magiging akin, at ituturing ko silang isang natatanging kayamanan. Hindi ko sila parurusahan, tulad ng isang amang kinahahabagan ang kanyang anak na naglilingkod sa kanya at hindi niya ito parurusahan.