Malakias 3

Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng kanyang pagdating? Sino ang makakaharap sa kanya kapag nagpakita na siya? Sapagkat para siyang apoy na nagdadalisay ng bakal o parang sabon na nakakalinis.

Malachi 3:2 (UKJV) But who may abide the day of his coming? and who shall stand when he appears? for he is like a refiner's fire, and like fullers' soap:

1Makinig kayo sa sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo. At ang Panginoon na inyong hinihintay ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang inyong pinakahihintay na sugo na magsasagawa ng aking kasunduan.”

2Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng kanyang pagdating? Sino ang makakaharap sa kanya kapag nagpakita na siya? Sapagkat para siyang apoy na nagdadalisay ng bakal o parang sabon na nakakalinis.

3Kikilos siyang tulad ng tagapagdalisay ng pilak at susunugin niya ang dumi nito. Lilinisin niya ang mga paring Levita at dadalisayin niya sila tulad ng pagdalisay ng pilak at ginto, upang silaʼy maging mga taong nagdadala ng mga karapat-dapat na handog sa Panginoon.

4Sa ganoon, muling malulugod ang Panginoon sa mga handog ng mga taga-Juda at taga-Jerusalem, gaya ng dati.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.