Marcos 10

Pinagsabihan siya ng maraming tao na tumahimik, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”

Mark 10:48 (UKJV) And many charged him that he should hold his peace: but he cried the more a great deal, You son of David, have mercy on me.

46Dumating sina Hesus sa Jerico. At nang paalis na siya roon kasama ang mga alagad niya, sumunod sa kanila ang napakaraming tao. Sa tabi ng daan, may isang bulag na nakaupo at namamalimos. Siyaʼy si Bartimeo (na ang ibig sabihin ay “anak ni Timeo”).

47Nang marinig niyang dumadaan si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya, “Hesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”

48Pinagsabihan siya ng maraming tao na tumahimik, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”

49Tumigil si Hesus at sinabi, “Tawagin ninyo siya.” Kaya tinawag nila si Bartimeo at sinabi, “Lakasan mo ang loob mo. Tumayo ka, dahil ipinapatawag ka ni Hesus.”

50Inihagis ni Bartimeo ang balabal niya at dali-daling tumayo at lumapit kay Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.