48Pinagsabihan siya ng maraming tao na tumahimik, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”
49Tumigil si Hesus at sinabi, “Tawagin ninyo siya.” Kaya tinawag nila si Bartimeo at sinabi, “Lakasan mo ang loob mo. Tumayo ka, dahil ipinapatawag ka ni Hesus.”
50Inihagis ni Bartimeo ang balabal niya at dali-daling tumayo at lumapit kay Hesus.
51Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sumagot ang bulag, “Rabbi, gusto ko pong makakita.”
52Sinabi ni Hesus sa kanya, “Umuwi ka na; pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus sa daan.