Marcos 10

Tumigil si Hesus at sinabi, “Tawagin ninyo siya.” Kaya tinawag nila si Bartimeo at sinabi, “Lakasan mo ang loob mo. Tumayo ka, dahil ipinapatawag ka ni Hesus.”

Mark 10:49 (UKJV) And Jesus stood still, and commanded him to be called. And they call the blind man, saying unto him, Be of good comfort, rise; he calls you.

47Nang marinig niyang dumadaan si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya, “Hesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”

48Pinagsabihan siya ng maraming tao na tumahimik, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”

49Tumigil si Hesus at sinabi, “Tawagin ninyo siya.” Kaya tinawag nila si Bartimeo at sinabi, “Lakasan mo ang loob mo. Tumayo ka, dahil ipinapatawag ka ni Hesus.”

50Inihagis ni Bartimeo ang balabal niya at dali-daling tumayo at lumapit kay Hesus.

51Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sumagot ang bulag, “Rabbi, gusto ko pong makakita.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.