Marcos 11

Pagkatapos, pinangaralan niya ang mga tao roon. Sinabi niya, “Hindi baʼt sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng bansa?’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan.”

Mark 11:17 (UKJV) And he taught, saying unto them, Is it not written, My house shall be called of all nations the house of prayer? but all of you have made it a den of thieves.

15Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga lamesa ng mga tagapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.

16Pinagbawalan niya ang mga taong may paninda na dumaan sa patyo ng Templo.

17Pagkatapos, pinangaralan niya ang mga tao roon. Sinabi niya, “Hindi baʼt sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng bansa?’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan.”

18Nabalitaan ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang ginawa ni Hesus. Kaya humanap sila ng paraan upang mapatay siya. Ngunit natatakot sila sa kanya dahil hangang-hanga ang mga tao sa kanyang mga turo.

19Kinagabihan, umalis si Hesus sa Jerusalem kasama ang mga alagad niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.