Marcos 12

Hindi nʼyo ba nabasa ang talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.

Mark 12:10 (UKJV) And have all of you not read this scripture; The stone which the builders rejected is become the head of the corner:

8Kaya sinunggaban nila ang anak ng may-ari, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.

9“Ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan.

10Hindi nʼyo ba nabasa ang talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.

11Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’ ”

12Kaya ang mga punong pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at ang mga pinuno ng mga Hudyo ay humanap ng paraan upang maipadakip si Hesus dahil alam nilang sila ang pinatatamaan niya sa talinghagang iyon. Ngunit natakot sila sa mga tao, kaya pinabayaan nila si Hesus, at umalis na lamang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.