1Dalawang araw na lang noon bago sumapit ang Pista ng Paglampas ng Anghel at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng pagkakataon upang lihim nilang madakip at maipapatay si Hesus.
2Sinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”
3Habang si Hesus ay nasa Betania at kumakain sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, dumating ang isang babae. May dala itong mamahaling pabangong nasa sisidlang alabastro. Ang pabangong ito ay gawa sa purong nardo. Binasag niya ang leeg ng sisidlan at saka ibinuhos ang pabango sa ulo ni Hesus.